Mga Madalas Itanong
Anong mga uri ng negosyo ang kalipikado para sa pautang ng Washington Small Business Flex Fund 2 (Maluwag na Pondo para sa Maliit na Negosyo sa Washington 2)?
Upang maging kalipikado para sa pautang ng Flex Fund, dapat matugunan ng isang maliit na negosyo ang mga kinakailangang nakadetalye sa ibaba. Pakitandaan na ang maagang aplikasyon ay dapat tapusin at isumite ng may-ari ng negosyo na may pinakamalaking interes sa pagmamay-ari, at ang lahat ng may-aring may mahigit 20% na pagmamay-ari ay aatasang patunayan ang ibibigay na impormasyon.
Ang mga sumusunod na pamantayan ay ang pinakamababang kinakailangan upang maituring na kalipikado ang isang negosyo o nonprofit para sa pautang sa ilalim ng programang ito:
- – Ang negosyo o nonprofit ay nagpapatrabaho dapat sa 50 o mas kaunting empleyado;
- – Nagnenegosyo na sa loob ng hindi bababa sa isang taon bago ang petsa ng aplikasyon
- – May gross na taunang kita na mas mababa sa $5 milyon
- – Nagpapakita ng kakayahang bayaran ang pautang ayon sa nakaraan at inaasahang daloy ng pera
- – May mga umiiral nang operasyon sa estado ng Washington
Ano ang kaibahan ng programang ito sa iba pang pautang na pondo?
Ang kaibahan ng Washington Small Business Flex Fund 2 sa iba pang programa ng pautang ay ang aming network ng mga tagapagpautang na nonprofit mula sa komunidad.
Gamit ang karanasan nila sa pagtulong sa maliliit na negosyo at nonprofit sa Washington sa loob ng maraming dekada, ang mga tagapagpautang na ito mula sa komunidad ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng proseso ng pautang.
Kailangan ko ba ng kolateral?
Walang kailangang partikular na kolateral upang maging kalipikado. Hindi mo kailangang magkaroon ng access sa anumang partikular na real estate o kagamitan. Gayunman, maghahain ng malawakang pang-una o pangalawang lien sa mga asset ng negosyo, at maaaring humiling ang iyong tagapagpautang ng karagdagang partikular na kolateral. Kailangan ang mga personal na garantiya para sa mga indibidwal na nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng isang negosyo.
Kailangan bang nakabase sa Washington ang aking negosyo upang makapag-apply?
Oo, matatagpuan dapat sa Washington ang pangunahing tanggapan o lokasyon ng negosyong unang makikinabang sa pautang, at dapat isagawa sa Washington ang nilalayong paggamit sa makukuhang pondo.
Sino ang mga lokal na tagapagpautang mula sa komunidad?
Ang kaibahan ng Washington Small Business Flex Fund 2 sa iba pang programa ng pautang ay ang aming network ng mga tagapagpautang na nonprofit mula sa komunidad. Gamit ang karanasan nila sa pagtulong sa maliliit na negosyo at nonprofit sa Washington sa loob ng maraming dekada, ang mga tagapagpautang na ito mula sa komunidad ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng proseso ng pautang.
Bakit itinatanong sa aplikasyon ang aking personal na background?
Ang pondong ibibigay sa pamamagitan ng Washington Small Business Flex Fund 2 ay inilalaan upang palakasin ang mga komunidad at ang maliliit na negosyo at nonprofit na tumutulong sa mga ito upang magtagumpay. Ang boluntaryong impormasyon tungkol sa background na ibibigay ng mga aplikante ay tutulong sa amin upang tiyaking naaabot ng programa ang maliliit at lokal na negosyong may pinakamatinding pangangailangan para sa pondo.
Paano kung kailangan ko ng tulong sa pag-apply para sa pautang?
Kapag pumunta ka sa SmallBusinessFlexFund.org, ikokonekta ka sa isang lokal na tagapagpautang mula sa komunidad na makatutulong sa bawat hakbang ng aplikasyon at magdidirekta rin sa iyo sa mga karagdagang serbisyo ng suporta.
Ano ang mga termino ng pautang?
36 HANGGANG 72 BUWANG TERMINO
Humiram ng hanggang $250,000
Mga rate na mas mataas nang 1-4% sa rate ng WSJ Prime
Di-nagbabagong rate ng interes para sa buong panahon ng pautang
Walang parusa para sa maagang pagbabayad
Para saan ko magagamit ang pautang?
Ang mga pautang ng Washington Small Business Flex Fund 2 ay magagamit para sa malawak na hanay ng mga pangangailangan sa negosyo, kabilang na ang:
- Pansuweldo
- – Renta at mga utility
- – Pagpapaganda ng gusali
- – Marketing at advertising
- – Mga supply at iba pang gastusin sa negosyo
Hindi maaaring gamitin ang mga pautang para sa:
- – Mga passive na pamumuhunan sa real estate
- – Mga pag-lobby
- – Pagsali sa securities trading
- – Mga aktibidad na ipinagbabawal ng batas na Pederal o ng estado ng Washington, o ilang partikular na ipinagbabawal na aktibidad.
Aatasan kang idetalye sa tagapagpautang mula sa komunidad ang tungkol sa panukalang paggamit sa makukuhang pautang kapag nag-apply ka.
Garantisado bang maaaprobahan ako para sa pautang kung kalipikado akong mag-apply?
Depende sa bilang ng aplikasyon, posibleng hindi makatanggap ng pautang ang lahat ng aplikante. Una-unang susuriin ang mga aplikasyon. Bukod pa rito, ang lahat ng pautang ay sasailalim sa underwriting na pagsusuri at sa pag-aproba ng mga kalahok na tagapagpautang mula sa komunidad, na may pananagutan para sa kanilang sariling pagpapasya tungkol sa kredito.
Pakitandaan na hindi nagpapasimula ang website na ito ng alok o pangakong magpautang. Maaaring magbago ang lahat ng rate at termino ng pautang.
Anong impormasyon ang kailangan upang mag-apply para sa pautang ng Washington Small Business Flex Fund 2?
Bilang bahagi ng iyong buong aplikasyon para sa pautang, kailangan mong ibigay ang sumusunod na dokumentasyon sa tapagpautang mula sa komunidad:
- – Dalawang pinakahuling naihaing tax return, kung mayroon at iniaatas ng tagapagpautang;
- – Mga statement ng bangko at/o pinansiyal na statement na ginawa nang internal;
- – Impormasyon hinggil sa (mga) may-ari ng negosyo na may mahigit 20% na pagmamay-ari, kabilang na ang pangalan, address, Social Security Number (SSN), Employer Identification Number (EIN) o Individual Taxpayer Identification Number (ITIN), numero ng telepono, email, pagmamay-ari ayon sa porsiyento, at ID na may litrato;
- – Executed Attestation Form (Form ng Pinaiiral na Katibayan) (na ibibigay ng tagapagpautang mula sa komunidad);
- – Ebidensiya ng legal na impormasyon ng entidad ng negosyo o nonprofit (hal., mga artikulo ng incorporation at mga bylaw);
- – Personal na garantiya (para lang sa mga negosyo); at
- – Iba pang dokumentasyong iniaatas ng tagapagpautang mula sa komunidad o pagkatapos mag-apply
Makikipag-ugnayan sa iyo ang isang kalahok na tagapagpautang mula sa komunidad upang kolektahin ang kinakailangang dokumentasyon, isagawa ang anumang pagsusuri ng kredito, at isapinal ang proseso ng pagsusuri sa aplikasyon.
Anong mga uri ng negosyo ang hindi kalipikado para sa pautang?
Ang mga di-kalipikadong negosyo ay:
- – Mga negosyo o kompanya ng cannabis na sumasali sa mga aktibidad na ipinagbabawal ng pederal na batas o karampatang batas sa hurisdiksiyon kung saan matatagpuan ang negosyo;
- – Mga passive na pamumuhunan sa real estate o pagbili ng securities
- – Mga kompanyang sumasali sa mga pag-lobby o pyramid sales scheme
- – Mga pasilidad na pangunahing ginagamit para sa pagsusugal o upang mangasiwa ng sugal
- – Mga negosyong sumasali sa mga tsambahang aktibidad na nagpapaunlad ng kita mula sa pagbabago-bago ng presyo sa halip na sa pamamagitan ng normal na kalakalan, gaya ng commodity futures trading o passive na pamumuhunan sa real estate
- – Mga negosyong kumikita nang mahigit sa kalahati ng taunang netong kita ng mga ito mula sa pagpapautang, maliban kung para sa mga Community Development Financial Institution (Institusyong Pinansiyal para sa Kaunlaran ng Komunidad) at Pantribong enterprise na hindi mga institusyon para sa pagdedeposito o kompanyang namamahala ng bangko
- – Mga negosyong naghahangad na bayaran ang mga delingkuwenteng pederal o pang-estadong buwis sa income, maliban na lang kung ang maliit na negosyong nanghihiram ay may nakatalagang plano ng pagbabayad sa kinauukulang tagapagbuwis
Natatawaran ba ang pautang ng Washington Small Business Flex Fund 2?
Ang Flex Fund ay HINDI natatawarang programa ng pautang o grant. Kailangang bayaran ng humiram ang buong halaga ng pautang nang may interes sa loob ng 3-6 na taon, depende sa pautang.
Ano ang mangyayari kung hindi ako makabayad?
Kung hindi mo mababayaran ang pautang sa takdang oras, maaari kang patawan ng bayad sa pagkaatrasado ayon sa pagpapasya ng tagapagpautang mula sa komunidad. Dahil sa pagkabigong magbayad, maaaring ideklara bilang default ang pautang. Sa panahon ng proseso ng pag-apply para sa pautang, tatalakayin ng iyong tagapagpautang mula sa komunidad ang kabuoang termino ng iyong kasunduan sa pautang upang tiyaking nauunawaan mo ang mga detalye hinggil sa atrasadong pagbabayad at default.