Maluluwag na pautang para sa maliliit na negosyo at nonprofit sa Washington
Palaguin ang iyong negosyo sa tulong ng Washington Small Business Flex Fund 2 (Maluwag na Pondo para sa Maliit na Negosyo sa Washington 2).
Suportado ng Washington State Department of Commerce (Kagawaran ng Komersiyo ng Estado ng Washington) ang Pondo na tumutulong sa maliliit na negosyo at nonprofit sa pag-access ng mga abot-kayang pautang na kailangan ng mga ito upang magtagumpay.
Mayroong magagandang rate ng interes at maluluwag na opsiyon sa pagbabayad ang Washington Small Business Flex Fund 2 na inilalaan bilang pantulong sa maliliit na negosyo at nonprofit sa pag-access ng mga pondo upang lumago at magtagumpay ang mga ito.
GAWIN ANG SUSUNOD NA HAKBANG
maluluwag at abot-kayang pautang
di-nagbabago at magagandang rate ng interes
36 hanggang 72 buwang panahon para sa pagbabayad
Puwedeng manghiram ng hanggang $250,000 ang maliliit na negosyo at nonprofit, at puwedeng igugol ang pera sa maluwag na paraan, kabilang na rito ang pansuweldo, utility at renta, supply, marketing at advertising, pagpapaganda o pagkukumpuni ng gusali, at iba pang gastusin sa negosyo.
Mga termino ng pautang
MAGAGANDANG RATE NG INTERES.
Humiram ng hanggang $250,000
Mga rate na mas mataas nang 1-4% sa rate ng WSJ Prime
Di-nagbabagong rate ng interes para sa buong panahon ng pautang
36 hanggang 72 buwang termino ng pautang
Walang parusa para sa maagang pagbabayad
SIMPLE LANG ANG PAG-APPLY.
Ang mga kalipikadong negosyo ay mayroon dapat ng sumusunod:
Mas kaunti sa 50 empleyado
Taunang kitang mas mababa sa $5 milyon
Hindi bababa sa isang taon ng pagnenegosyo bago ang panahon ng pag-apply
MALUWAG ANG PAGGAMIT SA PAUTANG.
Pansuweldo
Mga utility at renta
Marketing at advertising
Pagpapaganda o pagkukumpuni ng gusali
Iba pang gastusin sa negosyo
Causey’s Learning Center
Mga Benepisyo
Ang Washington Small Business Flex Fund 2 ay ginawa upang makapaglaan ng access sa mga abot-kayang pautang para sa maliliit at lokal na negosyo at nonprofit na may pinakamatinding pangangailangan para dito.
ANO ANG KAIBAHAN NG PROGRAMANG ITO SA MGA TRADISYONAL NA PROGRAMA NG PAUTANG?
Ang kaibahan ng Washington Small Business Flex Fund 2 sa iba pang programa ng pautang ay ang aming network ng mga tagapagpautang na nonprofit mula sa komunidad.
Gamit ang karanasan nila sa pagtulong sa maliliit na negosyo at nonprofit sa Washington sa loob ng maraming dekada, ang mga tagapagpautang na ito mula sa komunidad ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng proseso ng pautang.
Ang Washington Small Business Flex Fund 2 ay HINDI natatawarang programa ng pautang. Kailangang bayaran ng humiram ang buong halaga ng pautang nang may interes sa loob ng 3 hanggang 6 na taong termino.
MAS MALAKAS ANG MGA KOMUNIDAD KAPAG NAGTATAGUMPAY ANG MALILIIT NA NEGOSYO.
Mapa-child care center, restaurant, lokal na sakahan, tagapagbigay ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan o nonprofit sa komunidad, ang maliliit na negosyo at lokal na organisasyon ay tumutulong sa ating mga komunidad upang magtagumpay, habang lumilikha ng mga trabahong may ambag sa kalagayan ng ekonomiya ng ating buong estado.
Pinagtutuunan ng mga lokal na tagapagpautang mula sa komunidad ang iyong tagumpay
Handa nang Mag-apply?
$250,000
HUMIRAM NG HANGGANG
$250,000
HUMIRAM NG HANGGANG
Dahil sa limitadong bilang ng available na pondo at sa dami ng inaagapang aplikasyon, inaasahang hindi makatatanggap ng pautang ang lahat ng aplikante. Kung kailangan mo ng higit pang suporta, pumunta sa page ng mga resource. Ang mga aplikasyon ay una-unang susuriin at pangangasiwaan upang masuportahan ang mga layunin ng programa. Ang panahong ilalaan upang iproseso ang isang aplikasyon ay dedepende sa dami ng aplikasyong matatanggap ng katugmang tagapagpautang mula sa komunidad. Pakitandaan na kapag nagsumite ng aplikasyon, hindi ibig sabihin ay kalipikado na at aprobado o may pondo na kaagad para sa pautang. Hihiling ng karagdagang impormasyon sa iyong aplikasyon na gagamitin sa pagpapasya kung kalipikado ka para sa pautang.
Inirerekomenda namin na mag-apply na sa lalong madaling panahon.
Ang proyektong ito ay suportado ng isang grant na iginawad ng US Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng US). Ang mga pananaw sa dokumentong ito ay mula sa may-akda at hindi itinuturing na kumakatawan sa opisyal na posisyon o patakaran ng US Department of Treasury. Ang mga pondo ng grant ay ipinagkakaloob ng Office of Economic Development & Competitiveness (Tanggapan ng Kaunlaran at Kahusayan ng Ekonomiya), Washington State Department of Commerce (Kagawaran ng Komersiyo ng Estado ng Washington).