Know Before You Pre-Apply

Mahalaga sa amin ang iyong privacy.
Ang mga tanging personal na detalyeng kailangan namin ay:

Pangalan ng Negosyo
Address ng Negosyo (dapat ay nasa Washington)
Buo Mong Pangalan
Numero ng Telepono
Valid na Email Address (para makontak ka ng napili mong nagpapahiram)
Tatanungin namin sa iyo ang kabuuan mong kita ng negosyo noong nakaraang taon at kung mayroon ka bang kinita

Hindi magsasagawa ng pormal na credit check ang paunang aplikasyon, pero dapat mong ihanda ang iyong tantyang credit score.

Kumpletuhin ang Iyong Pre-Application Ngayon

Paano Gawin ang Paunang Aplikasyon

Mga tuntunin sa Pagiging Kwalipikado at Pag-utang

SIMPLE LANG ANG PAUNANG APLIKASYON.

Ang mga kwalipikadong negosyo ay dapat na mayroong:
Wala pang 50 empleyado
Taunang kita na mas mababa sa $5 milyon
Nagnenegosyo na sa loob ng isang (1) taon bago ang panahon ng aplikasyon

Ang paunang aplikasyon ay dapat na makumpleto at maisumite ng may-ari ng negosyo na may pinakamalaking interes sa pagmamay-ari. Ang sinumang may-ari na may higit sa 20% pagmamay-ari ay kinakailangan para magpatunay sa ibinigay na impormasyon.

SIMPLE LANG ANG PAUNANG APLIKASYON.

Manghiram ng hanggang $250,000
Ang mga interest rate ay kasalukuyang mula 8.5-11.5% depende sa tagal ng pag-utang*
Naka-fix na interest rate para sa buong panahon ng pag-utang
36 hanggang 72 buwang termino ng pagbabayad
Walang multa sa pagbabayad
*Ang hanay ay 1-4% na mas mataas kaysa sa kasalukuyang WSJ prime rate na 7.5%, na isang pambansang basehang rate na tinutukoy ng 10 pinakamalalaking bangko sa U.S.

MALUWAG ANG PAGGAMIT SA PAUTANG. ​

Pasuweldo
Mga utility at upa
Marketing at advertising
Pagpapaganda o pagpapaayos ng gusali
Iba pang gastusin sa negosyo

Ano ang aasahan mula sa aming proseso para sa paunang aplikasyon para sa pag-utang

TALATANUNGAN PARA SA PAUNANG APLIKASYON

Isagawa ang paunang aplikasyon para sa pagpopondo sa portal sa pamamagitan ng pagpuno sa hinihiling na impormasyon sa pamamagitan ng maikling talatanunangan, na gugugol lang ilang minuto para makumpleto nang hindi kinakailangang suriin ang credit score.

MAITUGMA

Kung kwalipikado kang manghiram, maitutugma ka sa mga mapagkakatiwalaang lokal at nakabase sa komunidad na nagpapahiram pagkatapos mong makumpleto ang talatanungan sa paunang aplikasyon. Magkakaroon ka rin ng opsyong maitugma sa mga karagdagang pansuportang servisyo bilang bahagi ng paunang aplikasyon.

MAGHANAP NG SUPORTA

Kapag naitugma na, tutulungan ka ng mga nagpapahiram sa lokal na nakabase sa komunidad at mga tagapagbigay ng teknikal na tulong sa bawat hakbang ng buong aplikasyon sa pag-utang at magbibigay ng mga karagdagang serbisyo sa suporta.

Dahil sa isang limitadong halaga ng available na pondo at sa inaasahang madaming paunang aplikasyon, inaasahan na hindi lahat ng mga aplikante ay makakautang. Isa pa, pakitandaan na ang pagsusumite ng isang paunang aplikasyon ay hindi isang pahiwatig ng pagiging kwalipikado at hindi nangangahulugang aaprubahan o mapondohan ang isang utang. May iba pang impormasyong hihingin sa buong aplikasyon sa itinugma sa iyong nanghihiram para malaman ang iyong pagiging kwalipikado sa pag-utang. Ang oras na kinakailangan para maproseso ang isang paunang aplikasyon ay nakadepende sa dami ng mga matatanggap na paunang aplikasyon ng naitugmang nagpapahiram sa komunidad.

Inirerekomenda namin ang paunang pag-apply sa lalong madaling panahon.

Ang proyektong ito ay suportado ng isang grant na iginawad ng US Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng US). Ang mga pananaw sa dokumentong ito ay mula sa may-akda at hindi itinuturing na kumakatawan sa opisyal na posisyon o patakaran ng US Department of Treasury. Ang mga pondo ng grant ay ipinagkakaloob ng Office of Economic Development & Competitiveness (Tanggapan ng Kaunlaran at Kahusayan ng Ekonomiya), Washington State Department of Commerce (Kagawaran ng Komersiyo ng Estado ng Washington).