Lumalaki na ang maliit mong negosyo sa Washington.
Dapat na kasabay rin nito ang pagdami ng mga opsyon mo sa pagpopondo.
Small Business Flex Fund 2 (Micro Loan Program) — Paused
Washington’s Small Business Flex Fund 2 is currently pausing the processing of new loan applications.
As the state continues to enhance and improve the programs it offers using State Small Business Credit Initiative (SSBCI) funding from the U.S. Department of the Treasury, the Washington State Department of Commerce (Commerce) is moving the program into its next phase, incorporating recent market shifts and addressing evolving needs among both lenders and Washington’s small businesses. The goal is to offer a broad and flexible suite of loan products that better align with current demand.
As part of this transition, the Washington Small Business Flex Fund 2 will undergo a redesign to enhance its performance and effectiveness, ensuring it can more fully meet the microloan needs of small businesses across the state. During the redesign period, Commerce will pause the processing of new loan applications.
Technical Assistance (TA) is still Available
Free Technical Assistance (TA) delivered through our partners, Roads Consulting Group and Business Impact NW, will remain available through the SSBCI Technical Assistance program. These services, including support with business planning, financial statements, and more, will continue to prepare entrepreneurs for success with accessing capital and accelerate participation once the updated program launches.
- If you are looking for SSBCI supported capital now, please consider reviewing the Revenue-Based Financing Fund.
- If you are not yet fully loan-ready, you can connect at no cost with SSBCI Technical Assistance providers through the SSBCI Technical Assistance Program.
Maitugma sa mga opsyon sa pag-utang sa mga pinagkakatiwalaang nagpapahiram sa komunidad sa loob lang ng ilang minuto sa pamamagitan ng Washington Small Business Flex Fund 2.
Suportado ng Washington State Department of Commerce, tinutulungan ng Washington Small Business Flex Fund 2 at mga nonprofit na ma-access ang mga abot-kayang pag-utang na kailangan nila para umunlad.
Sa pamamagitan ng magagandang interest rate at mga flexible na opsyon sa pagbabayad, dinisenyo ang Fund na tulungan ang maliliit na negosyo at mga nonprofit na makakuha ng kapital na kinakailangan para lumago at umunlad.
GAWIN ANG SUSUNOD NA HAKBANG
Ang isang maikling talatanungan para sa paunang aplikasyon para sa Fund ay magtutugma sa iyo sa:
Mga flexible at abot-kayang pag-utang mula sa mga mapagkakatiwalaang nagpapahiram
Mga naka-fix at kompetitibong interest rate
36 hanggang 72 buwang timeline ng pagbabayad
Mga tagapagbigay ng teknikal na tulong
Ang mga kwalipikadong maliliit na negosyo at nonprofit ay maaaring mangutan ng hanggang $250,000 at maaaring gamitin ang pera sa iba’t ibang paraan, gaya ng sa pasuweldo, mga utility at upa, mga supply, marketing at advertising, mga pagpapaganda o pagpapaayos ng gusali, at iba pang gastusin sa negosyo. Maitutugma ka man o hindi sa isang nagpapahiram, ikokonekta ka pa rin namin sa mga mapagkukunan na makakatulong sa iyo na maghanda para sa isang pag-utang. Siguraduhing tingnan ang karagdagang suporta at mapagkukunan na maaaring kailanganin mo sa pagpuno sa talatanungan para sa paunang aplikasyon.
Ano ang aasahan mula sa aming proseso para sa paunang aplikasyon para sa pag-utang
TALATANUNGAN PARA SA PAUNANG APLIKASYON
Mag-pre-apply para sa pondo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyong hinihingi sa pamamagitan ng isang maikling questionnaire na maaaring sagutan sa loob lamang ng ilang minuto, at hindi nangangailangan ng credit check.
MAITUGMA
Kung kwalipikado kang manghiram, maitutugma ka sa mga mapagkakatiwalaang lokal at nakabase sa komunidad na nagpapahiram pagkatapos mong makumpleto ang talatanungan sa paunang aplikasyon. Magkakaroon ka rin ng opsyong maitugma sa mga karagdagang pansuportang servisyo bilang bahagi ng paunang aplikasyon.
MAGHANAP NG SUPORTA
Kapag naitugma na, tutulungan ka ng mga nagpapahiram sa lokal na nakabase sa komunidad at mga tagapagbigay ng teknikal na tulong sa bawat hakbang ng buong aplikasyon sa pag-utang at magbibigay ng mga karagdagang serbisyo sa suporta.
Para makita mo mismo ang prosesong ito, tingnan ang aming video na “How To Pre-Apply” (Paano ang Paunang Pag-apply”) sa ibaba para sa Washington Small Business Flex Fund 2.
Mga tuntunin sa Pagiging Kwalipikado at Pag-utang
SIMPLE LANG ANG PAUNANG APLIKASYON.
Ang mga kwalipikadong negosyo ay dapat na mayroong:
Wala pang 50 empleyado
Taunang kita na mas mababa sa $5 milyon
Nagnenegosyo na sa loob ng kahit man lang isang taon bago ang petsa ng aplikasyon
MGA ACCESSIBLE NA TERMINO NG PAG-UTANG.
Manghiram ng hanggang $250,000
Ang mga interest rate ay kasalukuyang mula 8.25-11.25% depende sa tagal ng pag-utang*
Naka-fix na interest rate para sa buong panahon ng pag-utang
36 hanggang 72 buwang termino ng pagbabayad
Walang multa sa pagbabayad
*Ang hanay ay 1-4% na mas mataas kaysa sa kasalukuyang WSJ prime rate na 7.25%, na isang pambansang basehang rate na tinutukoy ng 10 pinakamalalaking bangko sa U.S.
MALUWAG ANG PAGGAMIT SA PAUTANG.
Pasuweldo
Mga utility at upa
Marketing at advertising
Pagpapaganda o pagpapaayos ng gusali
Iba pang gastusin sa negosyo
Mga Benepisyo ng Fund
Paano makakatulong ang mapagkukunang ito ang aking maliliit na negosyo o nonprofit?
Maraming maliliit na negosyo at nonprofit sa estado ng Washington ang nakakaranas ng malalaking hadlang sa pag-access sa mga mapagkukunang pampinansyal na kailangan nila para umunlad at lumago. Layunin ng Washington Small Business Flex Fund 2 na makapagbigay ng mga de-kalidad, flexible at abot-kayang produkto sa pag-utang para sa iyo sa pamamagitan ng network ng mga nagpapahiram sa komunidad na aprubado ng Department of Commerce.
Ang Fund 2 ay itinatag para magbigay ng access sa abot-kayang utang para sa mas maliliit na lokal na negosyo at mga nonprofit na gaya ng sa’yo na pinakanangangailangan nito.
Pakitandaan:
Ang Washington Small Business Flex Fund 2 ay HINDI isang programa ng mapapatawad na utang. Kailangang bayaran ng nanghihiram ang buong halaga ng utang nang may interes sa loob ng 3 hanggang 6 na taong termino.
Ang Washington Small Business Flex Fund 2 ay ginawa upang makapaglaan ng access sa mga abot-kayang pautang para sa maliliit at lokal na negosyo at nonprofit na may pinakamatinding pangangailangan para dito.
Pakitandaan: Ang Washington Small Business Flex Fund 2 ay HINDI isang programa ng mapapatawad na utang. Kailangang bayaran ng nanghihiram ang buong halaga ng utang nang may interes sa loob ng 3 hanggang 6 na taong termino.
ANO ANG KAIBAHAN NG PROGRAMANG ITO SA MGA TRADISYONAL NA PROGRAMA NG PAUTANG?
Nakikipagtulungan ang Washington Small Business Flex Fund 2 sa network ng mga nagpapahiram na nakabase sa komunidad at mga tagapagbigay ng teknikal na tulong na may mga dekadang karanasan sa pagtulong sa maliliit na negosyo at nonprofit ng Washington mula sa mga hindi sapat na napaglilingkuran at walang sapat na dami ng bangko na komunidad. Matutulungan ka ng mga nagpapahiram sa komunidad na ito sa bawat hakbang sa buong proseso ng pag-utang.
Layunin din ng Fund na bawasan ang mga hadlang sa mga pinansyal na mapagkukunan sa pamamagitan ng pag-aalis ng minimum na credit score o ng mga partikular na kinakailangang kolateral at origination fee na sinisingil dagdag pa sa mga bayarin sa pagsasara ng transaksyon (closing cost). Ang pondong hiniram ay maaaring gamitin sa anumang paraan depende sa mga pangangailangan at layunin ng iyong negosyo.
MAS MALAKAS ANG MGA KOMUNIDAD KAPAG NAGTATAGUMPAY ANG MALILIIT NA NEGOSYO.
Kung ang mga restawran, mga propesyonal na tagapagbigay ng serbisyo, mga manufacturer, mga lokal na bukid o mga nonprofit na nakabase sa komunidad, mga maliliit na negosyo at lokal na organisasyon ay tumutulong upang umunlad ang ating pamayanan, habang lumilikha ng mga trabaho na tumutulong sa ikakalakas ng ekonomiya ng ating buong estado.
Pinagtutuunan ng mga lokal na tagapagpautang mula sa komunidad ang iyong tagumpay
Mga Partner sa Teknikal na Tulong
Handa nang Mag-apply?
$250,000
HUMIRAM NG HANGGANG
8.25 – 11.25%
Mga Rate ng Interes
1-4%
Prime +
36-72
BUWANG TERMINO NG PAUTANG
$250,000
HUMIRAM NG HANGGANG
Due to a limited amount of funding availability and the high volume of pre-applications expected, it is anticipated that not all pre-applicants will be able to receive a loan. Pre-applications will be reviewed in the order they are received and will be managed to support the program’s goals. The time it takes to process a pre-application will depend on the volume of pre-applications received by the matched community lender. Please note that submitting a pre-application is not an indication of eligibility and does not mean that a loan will be approved or funded. Additional information will be requested from the matched lender for your full loan application that will determine your eligibility for a loan.
Inirerekomenda namin ang paunang pag-apply sa lalong madaling panahon.
Ang Washington Small Business Flex Fund 2 ay suportado ng Washington State Department of Commerce at ng US Department of Treasury sa pamamagitan ng Washington State Small Business Credit Initiative (SSBCI). Puwede mong bisitahin ang website ng ahensya para malaman ang higit pang impormasyon tungkol sa kung paano nagbibigay ang SSBCI ng karagdagang kapital sa Community Development Financial Institutions (CDFIs) at mga nakikibahaging nagpapahiram para sa mga maliliit na negosyo at nonprofit sa buong Washington, partikular na sa mga komunidad na dati nang hindi sapat na napaglilingkuran at walang sapat na dami ng bangko.
Ang Washington Small Business Flex Fund 2 ay suportado ng Washington State Department of Commerce at ng US Department of Treasury.